Sunday, 11 November 2012

Damn Scary SHC

I have read a rather disturbing paranormal case that happened a few times this last century. I don't know if there are new cases nowadays. 
Perhaps people have found out ways to prevent this very frightening thing from happening to them. It is called the Spontaneous Human Combustion (SHC) in which the human body suddenly, almost without warning, consumes itself into a very hot fire. Facts state that the human body has enough fat that may act like "fuel" that when ignited, can turn  it into an ash in matter of a few hours.
The victim's body type isn't the only factor. Some were fat while others are skinny. Its probably one of the most scariest things I've learned.

Read more:
SHC

A Guidance and Counseling Session Project (A Video Transcript)

Jethro is a Fine Arts student major in Visual Communications at the University of the Philippines, Diliman. His main problem revolves around managing his time properly and prioritizing his studies.

Me: Kamusta ka naman, Jethro? (So, how are you Jethro?)
Jethro: Eto OK lang. Kaso namomroblema ako sa pag-aaral ko eh. (I'm good. It’s just that I am having problems with my studies).
Me: Bakit naman? Anong problema? Sige sabihin mo lang sa akin, makikinig ako. (How come? What's the problem? You can tell it to me. I will listen).
Jethro: Lagi kasi akong late magpasa ng assignment tsaka mga project eh. Ayun… palagi akong nahuhuli. Yung mga kaklase ko nakapagpasa na lahat ko na lang hindi. (It’s because I am always late on submitting assignments and projects. All my classmates have submitted their's, except me).
Me: Ah ganun ba. Bakit sa tingin mo palagi kang nalalate magpasa? Bakit palagi kang nahuhuli sa mga kaklase mo? (Oh I see. Why do you think you're always late on your submissions? Why do you think you're always left behind your classmates?)
Jethro: Hindi ko kasi napagtutuunan ng pansin ng mabuti yung pag-aaral ko eh. Ayun... Mas madalas akong naglalaro sa computer, nagyu-Youtube, nagfa-Facebook... Nauubos yung oras ko. Hindi ko nbibigyan ng maraming oras yung pag-aaral ko. (It’s because I do not pay special attention to my studies. I spend most of time playing games on my computer, surfing Youtube, Facebook… I always ran out of time when it comes to my studies).
Me: Ah... Nasabi mo yan kaya't ibig sabihin, alam mo na at aware kang nakakaapekto ang sobrang paggamit ng computer sa pag-aaral mo? (Oh.. You have said it so it means you already knew how computer addiction affects your studies?)
Jethro: Oo... Kaso hindi ko mapigilan eh. Kapag nasa harap na ako ng computer, gusto ko na maglaro. Ayun... Tapos nakakalimutan ko na yung assignment ko tsaka mga project ko gawin. Tapos iniisip ko, "Mamaya na lang." Hanggang sa mamaya nang mamaya... (Yes, but… I cannot help myself. Whenever I would be in front of the computer, all I wanted to do is to play games… Until I forgot all about the assignments and projects that I should be doing. I always tell myself, “I will do it later…” again and again until…)
Me: ...hanggang sa maging "bukas" na lang? (…until your later becomes “tomorrow”?)
Jethro: Oo... (Yes…)
Me: Ganun ba. Pero alam mo na gusto mo nang baguhin ang nakasanayan mo na, tama ba? (I see. And you know that you should already change the way you think, right?”)
Jethro: Oo, gustong-gusto ko na; kasi gusto ko na ayusin grades ko eh. Palagi na kasi mabababa nakukuha ko kasi palagi late na mga pinapasa ko. (Yes. I really would like to. Cause I want to improve my grades. I always get low grades because of late submissions).
Me: Tama yan... Alam mo na na kailangan mong baguhin ang paggamit mo ng computer at ng oras mo. (That’s right. You know that you really should control how you use your computer and of your time.)
Jethro: Oo, gusto kong matuto kung paano gumamit ng oras ng tama. Kailangan ko kasi talagang mag-aral ng mabuti. (Yes. I want to learn how to use my time wisely. I know I should really have to prioritize my studies.)
Me: Tama. Sa tingin mo, paano mo gagawin iyon? (Yes. So how do you think you will do it?)
Jethro: Pagkauwi ng bahay uunahin ko muna yung mga dapat kong gawin. Tatapusin ko muna bago ako gumawa ng hindi naman masyadong importante gaya ng paglalaro sa computer. (When I go home from school, I will put first what I should be doing first. I will finish it before doing unnecessary things such as playing computer games).
Me: Tama. Nasimulan mo na bang gawin 'yon? Sinubukan mo na ba? (Yes. Have you started doing it? Have you tried doing that already?)
Jethro: Hindi pa.. (Not yet…)
Me: Pero gagawin mo na? (But you will?)
Jethro: Oo, gagawin ko na.. (Yes. I will do it).
Me: Sige tama, maganda yan. (Yes, that’s right).
Jethro: Maraming salamat. (Thank you very much).
Me: Sabihin mo na lang sa akin kung my problema ka pa, nandito lang ako. (Just tell me if you have any problems. I will always be here).
Jethro: Salamat. (Thank you).

-END-

(A/N: This is our finals project for the subject "Guidance and Couseling." It is the very first time that I did a video interview. It's very hilarious. Although some of the ethical principles of GC is lost here, it is just so much fun to do. Maybe because I'm with him. ;P)

Mga Kwentong Pambata

''Tiktaktok at Pikpakbum''
Isinulat ni Rene Villanueva
Inilimbag ng Adarna House 2009

ANG ISTORYA
Ang kwento ay pinagbibidahan ng dalawang magkapatid na aso. Ang isa ay si Tiktaktok at ang isa naman ay si Pikpakbum. Magkaiba ang ugali ng magkapatid na ito. Si Tiktaktok ay isang palakaibigang aso at masunuring anak na tumutulong sa kanyang mga magulang samantalang si Pikpakbum naman ay ang kabaliktaran; sya ay isang pasaway na anak at maraming kaaway. Isang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo.
Isang araw ay nakapulot sila ng isang karne. Mukhang masarap ito kaya inalok ni Tiktaktok na hatian niya si Pikpakbum. Ngunit si Pikpakbum, isang makasarili, ay hindi pumayag. Kinuha niya ang karne at itinakbo ito upang masolo.
Maya maya'y isang matadero ang dumating at hinahanap nito ang isang nawawalang karne. Napagtanungan nya si Tiktaktok tungkol dito at sinabi naman nito ang buong pangyayari. Dito ay binanggit ng matadero na ang karneng iyon ay hindi ligtas na kainin sapagka't ito'y may lason para sa mga daga.
Mula doon ay hinabol na ng dalawa ang daang tinungo ng pasaway na si Pikpakbum. Isang nakahandusay na aso ang nakita nila; si Pikpakbum nga ito. Nagmadaling hinagod ng matador ang tiyan nito upang maisuka ang nakaing karne. Nagkaroon muli ng malay si Pikpakbum at binigyan sya ni Tiktaktok ng maiinom.
Simula noon ay nagkabati na ang dalawa at kinalimutan na ang mga alitan nila sa isa't isa.

ANG ARAL
Maraming aral ang inihahayag ng kwentong ito. Ang una ay sa pag uugali. Mas mainam na maging masunurin at matulungin sa mga magulang at palakaibigan sa iba. Sa ganitong paraan, walang makakaaway ang bata. Pangalawa, ang pagkakaiba ng ugali ay hindi dapat gawing hadlang upang hindi makasunduan ang isang kapatid. Ang nararapat ay ang tanggapin ito o kaya nama'y tulungang baguhin kung hindi kanais-nais ang pag uugali nito. Pangatlo, ang pagiging pasaway at makasarili ang minsang nagtutulak sa isang bata sa kapahamakan. Katulad ng karneng may lason na inagaw ni Pikpakbum kay Tiktaktok. At ang huli, ang magkapatid ay marapat lang nag tutulungan sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakasunduan. Higit pa kung buhay na ng isa ang nakasalalay. Ang magkapatid ay marapat na nagtutulungan at pinapahalagahan ang isa't isa.

''Si Pilong Patago-tago''
Isinulat ni: Kristine Canon

ANG KWENTO
Ang nakatutuwang kwentong ito ay tungkol sa isang batang makulit na nagngangalang Pilo. Ang kakaiba sa kanya ay mahilig siyang magtago. Sa tuwing siya ay hinahanap ng kanyang ate, kuya, tatay, at nanay, siya ay palaging nagtatago kung saan man. Sa ilalim ng kama, sa lalagyanan ng labahan, maging sa itaas ng aparador. Siya ay nawiwili sa kanyang pagkahilig sa tatagu-taguan kahit na naiinis na ang kanyang mga kapatid at magulang.
Isang araw, siya ay isinama ng kanyang ina upang mamili. At kagaya ng kanyang nakagawian, pinagtaguan niya ang kanyang inay. Kahit na binilinan na siya ng kanyang inay na huwag umalis sa kanyang tabi ay nagpasaway pa rin ang batang si Pilo. Siya ay sumiksik sa ilalim ng mga nakasabit na damit at doo'y nagtago upang magpahanap muli.
Matagal na sandali rin ang lumipas at hindi pa rin siya nahahanap ng kanyang inay. Siya ay nainip na at lumabas mula sa kanyang pinagtataguan. Napansin niyang wala na ang kanyang inay kung kaya't siya ay umiyak ng malakas, ''Inay! Inay!"
Isang tinig ang nagpatahan sa kanya. Ito ay ang kanyang inay. ''Nandito lang ako, akala mo hindi ka na mahahanap ni nanay, no?'' Niyakap ni Pilo ang kanyang inay at natutunan niya ang kaniyang leksyon.

ANG ARAL
Ang hilig ng bata sa kwentong ito ay sumisimbulo sa mga iba pang hilig ng mga bata sa ngayon na maaaring maging dahilan ng hindi magandang pangyayari. Katulad sa batang si Pilo, maaari siyang mawala at maligaw dahil sa kanyang gawain.
Ang aral dito para sa mga bata ay ang sumunod sa kanilang mga magulang dahil alam ng mga ito kung ano ang makabubuti para sa kanila.

''Bruhahaha Bruhihihi''
Isinulat ni: Ma. Corazon Remigio

ANG KWENTO
Ang kwento ay pinagbibidahan ng isang batang babae. Araw araw siya ay natatakot dahil sa isang kapit-bahay nilang matandang babae. Ang mukha nito ay kulubot, meron din itong mahaba at malaalambreng buhok, at isang nakakapanindig balahibong tawa. ''Bruhahaha.. bruhihihi..''
Pinaniniwalaan ng batang babae na ang matandang ito ay isang mangkukulam o isang bruha. Hindi lang dahil sa itsura nito kundi dahil sa mga sinabi sa kanya ng kanyang lola na ang mga bruha raw ay takot pumasok sa isang bahay kapag may walis na nasa pintuan nito.
Anong pag nanais niya na umalis na ang matandang ito upang hindi na siya matakot lalo na kapag maririnig niya ang pagtawa nito tuwing gabi.
Isang araw, nakita niya ang matanda na naglalakad at tumatawa. Nakakatakot talaga ang pagtawa nito nang bigla na lamang itong matisod at madapa. Nahulog mula sa bibig nito ang kanyang magandang ngipin at nabasag ito. Isa pala itong pustiso. ''Bruhuhuhu.. bruhuhu..'' ang iyak ng matanda. Ang mga nakakitang tao ay natawa dahil sa nakita. Pinagtawanan nila ang kawawang matanda.
Ang batang babae, dahil sa nakita, ay nalaman kung sino ang totoong mga bruha. Ang mga taong ito na walang malasakit sa matandang babae. Nabuo na ng kanyang isip at tinulungan niya ang kawawang matanda.
Pinatuloy niya ito sa kanilang tahanan upang makakain. Nguni't tumanggi ang matanda dahil marumi ang kanyang tsinelas. Kaya pala ito hindi pumapasok sa isang bahay kapag may walis ay dahil nahihiya siyang marumihan ito. Napapayag na rin niyang pumasok ang matanda sa kanilang bahay at inalok niya ito ng pagkain. Kumain ang dalawa at nagkwento ang matanda tungkol sa kanyang sarili. Dito nakilala ng bata ang matanda at napag alaman niyang hindi talaga ito isang bruha.
Naging magkaibigan ang dalawa at tinawag na ng batang babae ang matanda bilang kanyang ''lola.''

ANG ARAL
Ang aral sa kwentong ito para sa mga bata ay huwag munang manghusga sa isang tao dahil lang sa panlabas na itsura nito o dahil lang sa mga sabi-sabi. Hindi dapat magtiwala sa mga hindi kakilala ngunit hindi rin tamang manghusga na masama ang isang tao dahil hindi mo pa ito lubusang nakikilala.

''Ang Itim na Kuting''        
Isinulat ni: Natasha Vizcarra

ANG KWENTO
Ang istoryang ito ay tungkol sa isang itim na kuting na nais na magpaampon ngunit walang gustong kumupkop sa kanya dahil sa kanyang kulay. Lahat na ay kaniyang ginawa upang magustuhan siya ng mga tao ngunit siya ay bigo.
May naisip siyang ideya para magpakitang gilas at makakuha na ng atensyon. Siya ay nagdrowing at nagkulay. Isang bahay ang kanyang tinungo at isang batang babae ang lumabas mula rito. Ipinakita niya ang kanyang obra at siya ay nagtula, kumanta, at sumayaw. Binanggit niya ang lahat ng kanyang kayang gawin at mga dahilan upang siya ay ampunin.
Tinanong niya ang batang babae kung pwede siya nitong maging nanay. Natuwa ang bata at sinabing hindi naman niya kailangan ng tagahabol ng mga daga, taga gising, at taga hilot. Ang kailangan niya ay kaibigan.
Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at naging napakasaya na ng itim na kuting dahil sa kanyang bagong ''nanay.''

ANG ARAL
Ang aral sa kwentong ito ay tungkol sa katangian ng isang tunay na pagkakaibigan. Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan at maging sa mga kayang gawin ng isa para sa isa. Tumitingin ang tunay na pagkakaibigan sa panloob na katangian ng isang tao at sa hangarin nito na mapabuti ang bawat isa.

''Si Pilandok at Ang Manok na Nangingitlog ng Ginto''

Muling isinalaysay ni:Victoria Añonuevo

ANG KWENTO
Ang istoryang ito ay isa nang klasiko sa mga kwentong pambata. Ito ay tungkol sa isang malupit na datu na nagngangalang Usman. Nais yumaman ng datu Usman na ito kung kaya't inutos niya sa kanyang mga alagad na kunin ang lahat ng ginto mula sa kanyang mga mamamayan. Ang mga mahihirap na mga taong walang maibigay na ginto ay kanyang ipinakulong.
Isang nagngangalang Pilandok ang nakaisip ng isang magandang paraan upang mautakan ang malupit na datu. Nag-alaga siya ng isang ordinaryong manok at ginawa itong ''mahiwagang manok'' sa pamamagitan ng paglalagay ng mga butil ng ginto sa labasan nito ng dumi. Ang manok na ito ang ibinigay niya sa datu at kalayaan ng mga bihag ang hiningi niyang kapalit. Pumayag naman agad ang makasariling datu nang makitang ''nangingitlog ng ginto'' ang manok.
Kinabukasan ay saka lamang natuklasan ng datu na siya ay nautakan ni Pilandok.

ANG ARAL
Ang aral sa kwentong ito ay ang mga makasarili at naghahangad pa ng marami ay siyang mawawalan. Ang mautak ay nauutakan rin.

''Sampu Pataas, Sampu Pababa''

Isinulat ni: Russell Molina

ANG KWENTO
Isang batang lalaki na tinatawag sa pangalang Mak-mak ang may angking talento pagdating sa mga numero. Siya ay mahilig magbilang at mayroon din siyang malawak na imahinasyon. Palagi nyang binibilang ang mga hakbang patungo sa kanilang eskwela at maging sa iba pang mga lugar. Maging ang mga hakbang sa hagdanan paakyat sa kanilang silid-aralan ay bilang niya. ''Sampu pataas at sampu pababa.''
Dahil dito ay humanga ng lubos ang kaniyang kaibigan na isang batang babae. Inakala tuloy nitong may kapangyarihan ang dala niyang patpat at tinawag itong ''magic wand.''
Isang ordinaryong bata si Mak-mak na may ekstra-ordinaryong pagkahumaling sa mga numero. Natatanaw niya ang lawak at ganda ng mundo sa pamamagitan ng mga ito. Malawak ang kanyang paningin gamit ang kanyang malawak na imahinasyon.
Sa kabila ng kanyang pagiging isang bulag, makikitang isang normal na bata si Mak-mak na nakakatanaw rin ng ganda at saya ng buhay.

ANG ARAL
Sa kabila ng anumang kapansanan, ang isang bata ay dapat din ituring na hindi naiiba sa iba pang mga bata. Ang pagiging bulag ng batang si Mak-mak ay hindi naging hadlang upang linangin pa niya ang kanyang talento at hilig sa mga numero.
Dapat nating tandaan na ang tanging humahadlang lang sa atin upang maabot natin ang ating mga pangarap ay atin din mga sarili. Hindi ang kung sino man, kung anuman, kung saan man, at kung bakit man -- maging ang pagkakaroon ng isang kapansanan.

''Ang Mahiyaing Manok''
Isinulat ni: Rebecca Añonuevo

ANG KWENTO
Ang kwentong ito naman ay tungkol sa isang batang manok na nahihiyang tumilaok. Tuwing umaga ay maagang nagsisigisingan ang kanyang mga kapwa manok upang tumilaok at maipahayag ang simula ng panibagong araw.
Ang ating bidang manok naman ay nahihiya sapagka't pinaniniwalaan niyang mahina ang kanyang boses at namamaos pa. Pinagtatawanan na rin tuloy siya ng iba pang manok dahil doon.
Nawalan na talaga siya ng tiwala sa kanyang sarili at minabuti nang hindi na lang sumubok na tumilaok pang muli. Napansin ito ng kanyang butihing ina at kinausap siya tungkol dito. Inamin niya sa kanyang ina na nahihiya siya sa kaniyang tinig.
Dito ay pinalakas ng kanyang ina ang kaniyang loob na huwag mahiyang ipakita ang kanyang angking katangian at galing sa iba pang manok.
Simula noon ay sinubukan na niya muling tumilaok at nag ensayo hanggang sa makuha na niya ito. Humanga ang iba pang manok sa ipinakita niyang determinasyon at dedikasyon.
Ngayon ay hindi na naiiba pa ang ating bida sa kanyang mga kapwa manok. Siya ay kasama na nilang tumilaok bawat umaga. Nagpasalamat ang batang manok sa kanyang ina at nangakong ituturo rin ito sa mga susunod pang ''mahiyaing manok.''

ANG ARAL
Ang kwentong ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga bata. Kung ia-apply nila ito sa kanilang mga sarili, sila ay magkakaroon ng ideya na ang pagiging kakaiba sa pamamagitan ng pagiging sarili nila ay masaya at walang katulad.
Tayo ay may mga angking katangian at kakanyahan na nakatago sa ating sarili at naghihintay na lamang na mailabas at malinang pa.
Ang mga salita ng mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa atin ang dapat nating pagtuunan ng pansin hindi ang mga salitang galing sa mga taong walang pakealam sa atin. Maliban na lamang kung tatanggapin natin ito bilang isang pagsubok upang mas mapabuti pa ang ating mga sarili.

''Ang Madyik Silya ni Titoy''

Isinulat ni: Russell Molina
      
ANG KWENTO
Ang batang si Titoy ay may isang kaibigan. Sila ay palaging magkasama. Ayon sa kanyang kaibigang ito, marami na raw silang napuntahang iba't ibang lugar dahil sa kanyang ''madyik silya.''
Ngunit nagtataka ang kanyang kaibigan. ''Kung mayroon siyang ganito, bakit walang maraming batang gustong makipaglaro sa kanya?'' ang inosenteng tanong nito.
Si Titoy pala ay wala nang dalawa nang paa. At ang kanyang tinatawag na ''madyik silya'' ay ang kanyang wheelchair. Kahit na masasabi nating nalimitahan na ang kanyang kakayahan upang malibot ang ganda ng mundo, mayroon naman siyang imahinasyon upang ipalit rito.      

ANG ARAL
Ang aral sa istoryang ito ay huwag magpadaig sa kapansan upang maenjoy ang buhay. Hindi nalilimitahan ng anumang balakid na ito sa lawak ng ating mga imahinasyon.
Ini-imply rin ng kwentong ito na hindi natin dpat na ''iwasan'' o pagtawanan ang mga taong may kapansanan sapagka't tao lang rin sila at hindi naiiba sa atin.

''Halu halo Espesyal''

Isinulat ni: Yvette Ferreol

ANG KWENTO
Isang batang babae ang may karamdaman at nangangailangan ng kalinga. Bumisita ang kaniyang paboritong lola at iniluto isa isa ang mga paboritong niyang pagkain. Tinatawag ng bata ang mga luto ng kaniyang lola na niluto sa ''magic kusina.''
Ilang araw lang ang lumipas at gumaling na rin ang bata mula sa kaniyang karamdaman.

ANG ARAL
Ang aral sa kwentong ito ay ang katotohanang ang pagmamahal ay makagagamot sa anumang karamdaman. Ipinakita ng lola sa kanyang apo ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aruga at pag alaga rito. Ang pag aalaga, kasama na ang mga masasarap at masustansyang pagkain, ay makatutulong upang guminhawa ang pakiramdam ng isang may sakit na bata.

''Ako si Kaliwa, Ako si Kanan''
Isinulat ni: Russell Molina

ANG KWENTO
Tungkol sa dalawang kambal na tsinelas ang kwento. Ang isa'y si Kanan at ang isa nama'y si Kaliwa. Nagkakaalitan ang dalawa dahil gusto nilang sila lamang ang kinakailangan ng kanilang amo. Pinaniniwalaan ni Kanan na siya ang paborito nito sapagka't siya ang ginagamit sa paglalaro. Lingid sa kanyang kaalaman, ganoon rin ang iniisip ni Kaliwa. Dumating pa sa puntong ayaw na nilang makita ang isa't isa.
Isang araw, nagising si Kanan na wala na sa kanyang tabi si Kaliwa. Siya ay sobrang natuwa dahil natupad na ang kanyang kagustuhan. Hinintay na lamang niyang dumating ang kanyang amo upang suotin siya at makipaglaro sa kanya. Ngunit laking dismaya niya nang dumating ang kanyang amo at hanapin si Kaliwa. Siya ay itinabi lang nito at hindi ginamit. Naisip niyang baka si Kaliwa nga ang paborito ng kanilang amo. Nalungkot siya dahil dito.          

ANG ARAL
Bawat isa sa atin ay may angking katangian na sa atin lamang matatagpuan. Lahat din ay may kanya kanyang role na dapat gampanan. Maging sa mga kambal, ang pagkakaiba ay hindi maiaalis.
Aral para sa mga bata rito ang pagtanggap sa katangian ng bawat isa. Dapat ay malaman nilang lahat tayo ay paborito at mahalaga sa paningin ng ating Dakilang Lumikha. Mahal Niya tayo sa ating mga katangian at papel sa buhay.

''Apolakus!''
Isinulat ni: Alice Mallari

ANG KWENTO

Kwento ito ng isang batang lalaking binu-bully ng kanyang dalawang kaklase. Siya ay hinihingan ng dalawang ito ng kanyang baon at minsa'y siya pa ay pinaglalaruan at inaasar ng mga ito.
Sa isip ng batang naaapi ay may sarili siyang mundo. Dito ay mayroon siyang ''magic'' at kapangyarihan. Sa imahinasyong mundong iyon, siya ang palaging panalo.
Ngunit isang araw ay hindi na siya bumangon upang pumasok sa eskwela. Sinabi niya sa kanyang ina na siya ay may sakit ngunit alam nito ang katotohanan.
Kinausap ng kanyang ina ang mga kinauukulan sa kanilang paaralan upang masolusyonan na ang problema ng kaniyang anak.
Pinatawad naman ng ating bida ang dalawa pang bata sa bandang huli. Sa pagkakataong ito, ang totoong magic word na nagpapaayos ng lahat ay ang salitang ''Salamat.''

ANG ARAL
Ang mga bata ay dapat na gabayan lalo na sa kung ano ang sitwasyon nila sa eskwela. Ang mga batang naaapi o nabu-bully ay madalas na malungkot, mahiyain, palatago, at walang gana pumasok sa eskwela. Sila rin ay sinasabing ''gumagawa ng sarili nilang mundo.''
Para sa mga bata naman, ang aral dito ay tungkol sa pagpapatawad. Dahil ang mga batang nambu-bully ay may problema din sa pakikitungo sa iba na dapat ring tugunan ng mga magulang.

''Ang Pambihirang Sombrero''
Isinulat ni: Jose Miguel Tejido

ANG KWENTO
Isang lumang sombrero ang nakuha ng isang bata sa baul ng kanyang lola. Ang kwento nito ay mala-pantasya. Ang lumang sombrero ng batang babae ay nilagyan ng kanyang mga kaibigang mga bumbero, trabahador, tindera, at iba pa nang mga kakaibang palamuti. Sa bandang huli ay lumabas ang angking ganda ng kaniyang sombrero dahil sa mga palamuting ito.

ANG ARAL
Ang aral sa kwentong ito ay ang pagiging malikhain at pagkakaroon ng malawak na imahinasyon sa mga bata. Magiging maganda ang kahit anong bagay gamit ang pagkamalikhain ng pag-iisip.

''Ang Kamatis ni Peles''
Isinulat ni: Virgilio Almario

ANG KWENTO
Isang tamad na tipaklong na nagngangalang Peles ang gustong umangat ang kanyang buhay. Siya ay humingi ng payo sa kanyang kaibigang langgam at binigyan siya nito ng buto ng kamatis upang itanim. Tinuruan rin siya nito ng tamang pagtatanim at pag aalaga ng halaman.
Sinunod ni Peles ang mga payong ito ng kaibigan at itinanim na niya ang mga buto ng kamatis. Binantayan niya ang kanyang mga tanim at nadismaya nang ilang araw na ang lumipas ay wala pa ring mga umuusbong na halaman mula rito. Muli niyang binalikan ang kaibigang si langgam at humingi muli ng payo.
Inalagaan ni Peles at inaruga ang kanyang mga tanim sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa mga ito. Diniligan niya, binantayan, tinugtugan ng musika, prinotektahan mula sa init ng araw ang kanyang mga tanim. Naghintay siya na may halong kasiyahan at excitement.
Ilang araw din ang lumipas at umusbong na rin ang kanyang mga kamatis. Oh anong saya ni Peles!

ANG ARAL
Ang pagkakaroon ng mahabang pasensya at kasipagan ay mga katangiang dapat taglayin ng isang bata upang siya ay umangat sa buhay. Kagaya ng pag aalaga sa mga halaman, maabot rin nila ang mga bunga ng kanilang pagtitiyaga at kasipagan kung marunong silang maghintay para dito.

''Alamat ng Ampalaya''
Isinulat ni: Augie Rivera Jr.

ANG KWENTO
Ang lahat ng gulay ay may kani-kaniyang mga kalidad na kanilang maipagmamalaki. Maging ito may ay ang kanilang kulay, hugis, kinis, at lasa.
Ngunit isang gulay ang hindi pa nabibiyayaan anuman sa mga ito. Siya ay nananatili pa ring puti, walang kulay at walang lasa. Siya ay si Amplaya.
Nainggit siya sa kanyang mga kapwa gulay sapagka't ito ay may mga katangiang gusto niya ngunit wala siya. Isang plano ang kanyang naisip at isang gabi, isa isa niyang ninakaw ang mga katangian ito. Kinabukasan ay nagising na laman ang ibang mga gulay na mga wala nang kulay, lasa, maging kinis man. Isang napakagandang gulay ang bigla na lamang lumitaw na nagtataglay ng lahat ng katangian at natuklasan nilang si Ampalaya nga ito.
Isinumbong ng mga gulay ang pangyayari sa hukuman ng apat na diyosa na sina Hangin, Lupa, Tubig, at Apoy. Hinalutan si Ampalaya ng mga ito na sa kanya na ang mga katangiang ninakaw niya. Natuwa siya ngunit anong gulat niya nang magkagulo at maglaban-laban ang mga ito sa loob ng katawan niya. Ang kinalabasan, siya ay naging isang mapait at kulubot na gulay na inaayawan ng marami.

ANG ARAL
Ang mga hindi kuntento sa kanilang sarili ay naghahangad na makuha ang mga katangian at talento ng iba. Ngunit ito ay imposibleng mangyari kung kaya't kung nais nating mapabuti ang ating sarili, huwag na nating hangarin pa ang kamalasan ng iba.
Para sa mga bata, ang aral sa kwentong ito ay ang tamang pagkain ng mga gulay. Dito ay ipinakitang ang ampalaya ay naghangad lamang na maging kanais-nais kainin kung kaya't siya ay ganito na ang itsura at lasa sa ngayon.
Sinabi sa kwento na patawarin ng mga bata ang kasalanan ni Ampalaya at kainin ito. Dahil hindi man kanais-nais ang lasa nito, ang ampalaya ay isang masustansiyang gulay.

''Chenelyn! Chenelyn!''
Isinulat ni: Rhandee Garlitos           

ANG KWENTO

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang katulong na nagngangalang Chenelyn. Halos buong pamilya ay umaasa sa kanya. Ang tatay, ang nanay, ang ate, at ang kuya, pati ng bunso. Pangalan niya ang laging naririnig at isinisigaw lalo na tuwing umaga. Naging parang isang ''magic word'' ang pangalang ito sa bunso ng pamilya. Lahat ay nalilinis at naaayos kapag binabanggit ang pangalang ito.
Ngunit isang araw, lahat sila ay isinisigaw na ang pangalang Chenelyn ngunit walang nangyayari; walang nalilinis at walang naaayos. Dahil si Chenelyn pala ay may sakit.
Dahil dito ay napilitan ang lahat ng miyembro ng pamilya upang gawin ang mga dapat ay sila na talaga ang gumagawa. Natuto silang gumawa at matrabaho ng sarili nila. Inalagaan rin nila si yaya Chenelyn. Pati ang bunso ng pamilya ay inihayag ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbabasa rito ng mga istoryo katulad ng ginagawa nito sa kanya bawat gabing siya'y matutulog na.

ANG ARAL
Para sa mga bata, huwag iasa sa ibang tao ang lahat ng gawain sapagka't hindi sila matututo. Dapat ay marunong din silang gumawa sa sarili nila upang sa kanilang paglaki ay mayroon silang paninindigan.
Ang mga katulong ay mga kasambahay sa tahanan; sila ay nariyan hindi upang sila na ang gumawa ng lahat lahat kundi upang makabawas at makatulong lamang. Hindi dapat iasa ng mga bata ang lahat ng mga gawain nila sa mga ito.

''Munting Patak Ulan''
Isinulat ni: Gloria Villaraza-Guzman            

ANG KWENTO
Ang mga munting patak na ulan galing sa kanilang inang ulap ay bumababa palagi sa ating kapaligiran upang makatulong sa mga tao, mga hayop, mga puno, at mga halaman. Sila ay nagbibigay ng pagkain sa mga halaman at inumin para sa mga hayop. Sila ay tumutulong upang makagawa ng kuryente at magamit ng mga tao.                                  

ANG ARAL
Ang tubig ay napakahalaga sapagka't ito'y maraming gamit at kapakinabangan sa ating kapaligiran. Dapat natin itong pahalagahan dahil malaki ang tulong nito sa ating mga tao. Dapat ay magpasalamat tayo sa ating Dakilang Lumikha dahil biniyayain niya lahat tayo ng mga munting patak ulan.

''Filemon Mamon''
Isinulat ni: Christine Bellen

ANG KWENTO

Ito ay tungkol sa isang matabang bata na gustong maging si Andres Bonifacio na namuno sa KKK noong panahon ng digmaan para sa kalayaan ng Pilipinas. Ngunit hindi siya bagay sa papel na ito sapagka't siya nga ay mataba. Mas bumagay pa tuloy sa kanya ang pagiging isang frayleng kastila na kontrabida sa mga eksena. Nalungkot siya dahil dito kung kaya't kumain sila ng kanyang matataba ring mga magulang ng marami. Ngunit napag alaman ng kanyang nanay na mali ito kung kaya't simula noon ay nagluto na siya ng mga hindi mamantika at mga masusustansyang pagkain. Nag eehersisyo na rin silang pamilya.
Ngayon, kahit hindi pa ni filemon nakukuha ang papel ng bida, siya na ay mas masigla at mas malusog kaysa nung una.

ANG ARAL

Ang kalusugan ay dapat pangalagaan dahil ito ay makatutulong sa mga bata upang mas maging masigla at masaya sa kanilang buhay. Kailangan ang tamang pagkain ng mga masustansiyang pagkain at pag ehersisyo upang makaiwas sa sakit.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...